Gamit ang mga raw materials sa kanilang livelihood programs, gumawa ang tanggapan ng Lingap ng Mapagkalingang Rehabilitasyon 45 Days ng 100 unan.

Ang LMR 45 Day ay ang community-based drug rehabilitation program ng City Government ng Bacoor na proyekto ni Mayor Lani Mercado Revilla.

Kasama ang mga graduates ng programa, pinahamagi nila ito sa mga Taal evacuees sa Tulay Elementary School at sa barangay hall ng Tulay na Patpat sa Ibaan, Batangas.