Ginanap ang Panunumpa sa Katungkulan 2019 kaninang umaga para sa mga bagong halal na opisyales ng Lungsod ng Bacoor.

Pinangunahan ni Kgg. Jolo Revilla, Bise Gobernador ng Cavite, ang panunumpa sa mga konsehal.

Ang panauhing pandangal ng okasyon, Kgg. Gloria Macapagal Arroyo, Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Republika ng Pilipinas, ang nanguna sa panunumpa nina Kgg. Strike B. Revilla, Representante, Ikalawang Distrito, Lalawigan ng Cavite, at Kgg. Lani Mercado Revilla, Alkalde, Lungsod ng Bacoor.

Bilang pagtatapos ng okasyon, nagbigay ng mensahe si Kgg. Ramon “Bong” Revilla Jr, Senador, Republika ng Pilipinas.

#1Team1Love1Bacoor
#AlagangAteLani