Hinikayat ni Mayor Lani Mercado Revilla na maging matatag ang bawat Bacooreño sa harap ng sunod-sunod na pagsubok na dinadaanan ng ating bayan sa flag raising ceremony kaninang umaga. Idiniin niyang muli ang panawagan ng pamahalaang lungsod na maging maingat bago mamahagi ng mga balita at kuro-kuro, at siguraduhing mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan nito. Dagdag pa niya na sa ating pagsama-sama at pagtulong-tulongan, malalampasin din natin ang lahat ng ito.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani