Nagdeklara ng State of Public Health Emergency si President Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng COVID-19.

Alinsunod dito, inaatasan ang lahat ng national agencies at Local Government Units (LGUs) na mas paigtingin pa ang mga paghahanda at pamamaraan upang hindi na magkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Hinihikayat din ang publiko na tumutok at sumunod sa mga advisories para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

#BacoorCityHealthAdvisory
#AlagangAteLani
#LoveMyBacoor